Friday the 13th

Nakilala kita isang gabing walang masakyan ang mga tao pauwi. Kunot-noo at pawisan na ang isang ginang na mag-iisang oras nang naghihintay habang tayo naman ay walang paki na nagyoyosi sa gilid–malalim ang mga hithit sa mga paubos nang sigarilyo, madiin ang mga tinginan ng mga matang maraming nais sabihin ngunit ‘di alam kung paano. Maingay man, dinig ko kung paano mo ako tinanong kung kumusta ba ako. Pero paano nga ba sagutin nang simple ang tanong na kasing bigat nito? “Sakto lang,” sabi ko, habang sa tapat natin ay isang jeep na nagbababa ng mga pasahero. Maya-maya pa ay umandar na ito at wala na rin ang ginang na katabi natin. Mabuti naman at isa sa amin ang makakauwi nang maaga ngayong gabi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s